Paggunita sa ika-160 Anibersaryong Kapanganakan ng Dakilang Tanaueno, Gat. Apolinario Mabini!
Kasama ang ating minamahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ginunita ngayong umaga ang Ika-160 Anibersaryong kapanganakan ni Apolinario Mabini katuwang ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ang pamunuan ng National Historical Commission of the Philippines upang kilalanin at bigyang pugay ang kaniyang natatanging kontribusyon, mga aral, at pagiging huwarang mamamayan para sa pagsulong ng Kalayaan ng ating Bansang Pilipinas.
Hinimok naman ni Mayor Sonny ang bawat isa na magbalik tanaw sa buhay at pagkatao ng ating Bayani, dahil sa kabila ng kaniyang payak na panimula, kaniyang kapansanan ay hindi naging hadlang ang mga ito upang maisakatuparan ang kaniyang mga mithiin at mga pangarap para sa Bayan.
Samantala, bahagi ng nasabing selebrasyon ang mga opisyal ng buong Lalawigan ng Batangas kabilang sina Vice Gov. Mark Leviste, Atty. Cristine Collantes, Atty. King Collantes , mga Alkalde, mga miyembro ng ating Sangguniang Panlungsod, mga kapitan at mga kaanak ni Mabini upang makiisa sa makasaysayang seremonya bilang pagpupugay sa mayamang kasaysayan ng Batangas at kadakilaan ng ating bayaning kababayan.