City Environment and Natural Resources Office, pinasalamatan ni Mayor Sonny sa kanilang ipanamalas na aksyon para maibsan ang problema sa Basura!
Sa pagsisimula ng Linggo, isang matagumpay na Flag Raising Ceremony ang isinagawa ngayong araw ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Inanunsyo ni Sir Edison Jallores mula sa Community Affairs Office ang nalalapit na pagdiriwang ng 22nd Tanauan City hood anniversary kung saan iba’t ibang programa at aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod.
Kasunod nito, pinasalamatan ni Tanauan PNP Chief ang ating Punong Lungsod dahil sa suportang ibinigay nito sa kanilang isinagawang operasyon. Binigyan din ng pagkikilala ni PLTCol John Ganit Rellian ang mga kagawad sa bawat Barangay na naging kabahagi para sa pagpapaigting ng kapayapaan sa bawat komunidad.
Bilang selebrasyon naman sa buwan ng pag-ibig, ipagdiriwang sa susunod na buwan ang Civil Registration Month kung saan handog ng ating Lokal na Pamahalaan ang Libreng Kasalang bayan para sa ating mga kababayan. Kasabay nito, ang pagdiriwang sa National Oral Health Month kung saan magkakaroon naman ang City Health Office ng Libreng Pustiso at iba pang mga aktibidad para sa mga Tanaueno.
Sa lingguhang ulat bayan, binigyang papuri ni Mayor Sonny Perez Collantes ang hepe ng Tanauan City Trading Post na si Mr. Ruel Micosa dahil sa itinaas ng kita ng bagsakan ngayong buwan. Binigyan din ng pagkikilala ang isang kawani mula sa Civil Security Unit dahil sa ipinamalas nitong katapatan matapos magsauli ng napulot niyang Wallet.
Kaniya ring pinasalamatan ang City Environment and Natural Resources Office dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa ating Punong Lungsod para sa mabilis na pagtugon sa problema ng basura sa ating Lungsod.