Centenarian mula sa Darasa, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!

Centenarian mula sa Darasa, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!
Bagaman katanghalian, binisita ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes kasama nina TWCC President Atty. Cristine Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao ang ating centenarian na si Mrs. Lourdes Almarines mula Brgy. Darasa.
Sa panayam ni Mayor Sonny kay Nanay Lourdes, ang pagiging relihiyoso at palaging pagdarasal ang sikreto at kaniyang sandigan umano upang mas maging malakas sa araw-araw. Sa katunayan, hindi pa sumasailalim sa maintenance si Nanay Lourdes kahit na umabot na ito ng edad 100 taon at game na game pang nakapagsasayaw!
Sa kabilang banda, kasama at nakiisa rin sa pagbisita at pagpapaabot ng Birthday Cash sina Senior Citizen Affairs Head—Mrs. Gloria P. Abrenica at Kap. Lowi Flores na kaagapay ni Mayor Sonny at ng lokal na pamahalaan upang masiguradong naibaba ang mga programa para sa ating mga Senior Citizens.
Samantala, bahagi ang aktibidad na ito upang mapaigting ang implementasyon ng R.A. 10868 o Centenarians Act of 2016 sa ating Lungsod na layong ihatid ang karagdagang benepisyo para sa ating mga kababayan.
Previous Apat na Atletang Tanaueño, lalahok sa Baseball Federation of Asia XIII East Asia Men’s Baseball Cup!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved