Centenarian mula sa Altura Matanda

Centenarian mula sa Altura Matanda, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!
Sa kagustuhan ni Mayor Sonny Perez Collantes na hindi maantala ang mga benepisyo ng mga Senior Citizen sa lungsod, siya na mismo ang tumungo kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Senior Citizen Affairs Head—Mrs. Gloria P. Abrenica, upang personal na iabot ang cash incentive ni Mrs. Primitiva Austria.
Dito ay ibinahagi ng kanyang pamilya kay Mayor Sonny na si Mrs. Austria, bukod sa pagkain ng masusustansiya at pagkakaroon ng active lifestyle ay mahilig din daw itong kumain ng saging na latundan, kaya naman sa kanyang ika-100 na kaarawan ay wala parin itong iniinom na maintenance. Idinagdag din ng kanyang pamilya na si Mrs. Austria ay sadyang relihiyoso at tunay nga raw na pampahaba ng buhay ang pagiging madasalin ng tao sa lahat ng panahon.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ni Mayor Sonny na maiparamdam ang pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng mga Senior Citizen sa Tanauan tulad ng pagbababa sa bawat barangay ng mga Birthday Gifts para sa kanila.
By: Nic
Previous LOOK | Kasalukuyang isinasagawa ang One-Day Supplementary Feeding Program

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved