Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at PCIC, nagpaabot ng Cash Assistance para sa mga Magsasakang Tanaueño apektado ng kalamidad
Umabot sa 453 mga magsasakang Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal mula sa Philippine Crops Insurance Corporation katuwang ang ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan.
Ang inisyatibong ito ay bunga ng patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensya tulad ng PCIC upang makapaghatid ng kaukulang P2.7 milyon para sa ating mga kababayang apektado ng pagkasira ng pananim dulot ng ng volcanic smog, bagyo at El Niño.
Nagpasalamat din si Mayor Sonny sa PCIC sa paghahatid nito ng mga serbisyong umaagapay sa ating mga magsasaka upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Lungsod.
Habang nakiisa rin sa naturang pamamahagi si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na ating katuwang sa Kongreso upang mailapit ang mga programang nasyunal mula sa Department of Agriculture.
Samantala, sa mga kababayan nating magsasaka na nais magkaroon ng insurance mula sa ating Pamahalaang Lungsod mangyaring tumungo lamang sa Office of the City Agriculturist para sa inyong mga kakailanganing dokumento.
#CityGovernmentofTanauan
#TanauanCity