Pinahahalagahan at pinauunlad ang Cacao Farm Industry sa Lungsod ng Tanauan
Sa Lungsod ng Tanauan, pinahahalagahan at pinauunlad ang Cacao Farm Industry. Upang mas mapaganda pa ang kalidad ng mga bunga ng cacao sa ating Lungsod, namahagi ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist ng mga Criollo varieties ng cacao.
Ang mga ito ay itatanim sa pagitan ng mga kasalakuyang tanim na cacao ng ating mga magsasaka. Tinatayang nasa 14 na mga magsasaka na may plantasyon ng cacao ang naging benepisyaryo ng naturang proyektong.
Sa kanila ring pagbisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan, siniguro ni Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang patuloy na pagsuporta para sa kanilang kabuhayan na naglalayong mas mapayabong pa ang lokal na industriya ng cacao sa Lungsod ng Tanauan.