BLOODIEST RUMBLE (Blood Donation Activity)

BLOODIEST RUMBLE (Blood Donation Activity), tagumpay na naisagawa katuwang ang iba’t ibang kapatiran sa Tanauan!
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Konsehal Sam Torres Aquino Bengzon katuwang ang ating City Health Office, mga Barangay Health Workers at Philippine Red Cross – Batangas Chapter, tagumpay na nailunsad ang blood donation activity ngayong araw sa Gov. Modesto Castillo Memorial and Cultural Center.
Ito ay nilahukan ng iba’t ibang Fraternity Groups kabilang ang Triskelion Tanauan City Council, Alpha Kappa Rho, Batangas Varsitarian, Alpha Phi Omega at Tau Gamma Phi. Layon nito na magkaisa sa iisang hangarin ang mga samahan sa ating Lungsod upang makasagip ng buhay sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanilang donasyong mga dugo.
Kaugnay nito, hinirang na nagwagi ang Batangas Varsitarian at Alpha Kappa Rho dahil sa may pinakamaraming miyembro na nag-donate ng dugo sa nasabing aktibidad.
Mula ho sa buong Pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, mabuhay ang bawat samahan at kapatiran sa ating minamahal na Lungsod!
Previous TANAUAN 911 APP (SENYAS)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved