Blessing and Inauguration ng bagong tulay ng Tanauan City-Sto. Tomas City Diversion via Sampalocan road

Blessing and Inauguration ng panibagong Pagawaing Bayan ni Congw. Maitet, tagumpay ngayong araw!
Para sa mas maayos at magandang daloy ng trapiko sa Lungsod at distrito naging matagumpay ang Blessing and Inauguration ng bagong tulay na matatagpuan sa pagitan ng Tanauan City-Sto. Tomas City Diversion via Sampalocan road na bahagi ng mga Pagawaing Bayan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Nakiisa naman at nakibahagi ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at mga kawani ng Department of Public Works and Highways kasama si Sto Tomas City former Vice Mayor Abet Marasigan bilang katuwang sa paghahatid ng mga proyektong pang-imprastraktura, mga kalsada at farm-to-market roads sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Matatandaang kabilang lamang ito sa mga inisyatibo ni Congw. Maitet upang masigurong ligtas at maayos ang mga pangunahing daan sa Ikatlong Distrito. Kaniya ring tiniyak na asahan pa ang mga panibagong pagawaing bayan tulad ng by-pass at diversion roads na layong mas maging sistematiko ang transportasyon sa ating distrito.
Previous Tanauan City LGU, pinuri ng DILG sa ilang performance areas ng SGLG 1st Assessment!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved