“One loaf at a time will make a difference” – ‘yan ang motto ngayon ng bagong proyekto ng BJMP Tanauan City matapos pormal na buksan ngayong araw ang “Bread of Hope” sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang Tanauan CSWD at pamunuan ng BJMP Tanauan City sa pangunguna ni ail Warden Female Dormitory JINSP ALLAIN M ABASTILLAS.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng paghahatid ng mga sustainable livelihood program sa mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDLs). Aniya, ang pagpapaabot ng ganitong programa ay isa sa instrumento upang mabigyan ng panibagong pagkakataon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga trainings na ibinababa ng lokal na pamahalaan.
Ang “Bread of Hope” ay bunga ng inihatid na Sustainable Livelihood Program ng DSWD, Tanauan CSWD at Pamahalaang Lungsod na nagsilbing pansimulang puhunan. Sa kasalukuyan, nagsisimula nang gumawa ng mga tinapay ang ating mga PDLs tulad ng pan de coco, pandesal at spanish bread na kanilang nagsisilbing supply rin, habang ang iba naman ay ibinebenta ng pamunuan ng BJMP Tanauan City para sa mga bibisita sa ating mga PDLs.