๐๐ ๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง๐ -๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ณ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ!
Isang mainit na pagsalubong mula sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna nina Mayor Sonnyย Collantes at Atty. Cristine Collantes ang ipinaabot para sa mga mag-aaral na lumahok at nagwagi sa katatapos lamang na DepEd 2024 Regional Festival of Talents.
![Mayor Sonny Collantes, RFOT 2024](https://scontent.fmnl3-2.fna.fbcdn.net/v/t39.30808-6/441457134_745072847836295_2063370329848230_n.jpg?_nc_cat=105&ccb=1-7&_nc_sid=5f2048&_nc_eui2=AeFCtS_br5RRdRG_V-Hhx_6N5Dz13nS02J_kPPXedLTYn5mmpBN-usvvFmmkbeLBdEiJsk9QOuEJP9h8kguwqJN7&_nc_ohc=iNN8VrgQJOcQ7kNvgFgu2K_&_nc_ht=scontent.fmnl3-2.fna&oh=00_AfCflmb4gW6Pdc0NrI6_bKLN24T6GSCvv8KZU1B7UJMk7A&oe=663F7C79)
Sa kanilang pakikipagpulong kasama si Mayor Sonny, binigyang-pagkilala nito ang kanilang inialay na husay, galing at dedikasyon sa kani-kanilang nilahukang kategorya. Aniya, ang kanilang tagumpay ay patuloy na inspirasyon ng Lokal na Pamahalaan upang patuloy na palawigin ang ang mga programa para sa ating mga Kabataan.
![Mayor Sonny Collantes, RFOT 2024](https://scontent.fmnl3-1.fna.fbcdn.net/v/t39.30808-6/441492210_745072831169630_8743845500609285269_n.jpg?_nc_cat=101&ccb=1-7&_nc_sid=5f2048&_nc_eui2=AeHYcHa3U-XtorsmO6Tiaaom19Leamwm2a3X0t5qbCbZret8onGr4EC0_jsNNiPpCcsO_7OT7xhz2KxAt8AMZ9Sd&_nc_ohc=-BBO7NYV640Q7kNvgEhQWVi&_nc_ht=scontent.fmnl3-1.fna&oh=00_AfCvoz-c9wr3Cy50wtAbCxYuC55wcnoY-Q_suiiASjq14Q&oe=663F68D4)
Bukod dito, pormal ding inihayag ng pamunuan ng DepEd Tayo – DepEd Tanauan City, ang taos pusong pasasalamat sa ating Ama ng Lungsod dahil sa hindi matatawarang pag-agapay nito na palakasin ang sektor ng Edukasyon.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati sa inyong karangalang nakamit!