Validation of Senior Citizen for National Social Pension, sinimulan na ngayong araw!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating Pamahalaang Nasyunal, sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development ngayong araw ang Validation of Senior Citizen for National Social Pension.
Present din dito ang ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao upang magpaabot ng suporta para sa ating mga Senior Citizens, ayon sa kaniya mahalagang nasusuri at nalalaman ang pangangailangan ng kanilang sektor upang maisaalang-alang ito sa paglikha ng mga programa para sa kanilang mga karagdagdang insentibo.