Mayor Sonny Collantes, RFOT 2024

Binigyang Pagkilala ni Mayor Sonny Collantes Ang Mga Lumahok Sa RFOT 2024

𝐌𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐑𝐅𝐎𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟒, 𝐛𝐢𝐧𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧𝐠-𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬!

Isang mainit na pagsalubong mula sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna nina Mayor Sonny  Collantes at Atty. Cristine Collantes ang ipinaabot para sa mga mag-aaral na lumahok at nagwagi sa katatapos lamang na DepEd 2024 Regional Festival of Talents.
Sa kanilang pakikipagpulong kasama si Mayor Sonny, binigyang-pagkilala nito ang kanilang inialay na husay, galing at dedikasyon sa kani-kanilang nilahukang kategorya. Aniya, ang kanilang tagumpay ay patuloy na inspirasyon ng Lokal na Pamahalaan upang patuloy na palawigin ang ang mga programa para sa ating mga Kabataan.
Bukod dito, pormal ding inihayag ng pamunuan ng DepEd Tayo – DepEd Tanauan City, ang taos pusong pasasalamat sa ating Ama ng Lungsod dahil sa hindi matatawarang pag-agapay nito na palakasin ang sektor ng Edukasyon.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati sa inyong karangalang nakamit!
Previous (KALINISAN) Clean Up Program

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version