Benepisyaryo ng Koop Kabuhayan Livelihood Project ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, personal na binisita ni Atty. Cristine Collantes!

Bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, binisita ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes ang isa sa mga benepisyaryo ng Koop Kabuhayan Livelihood Project ng Pamahalaang Lungsod na si Mr. Zosimo T. Manaig na nagmamay-ari ng isang babuyan sa Brgy. Malaking Pulo.

Sa panayam ni Atty. Cristine kay Mr. Zosimo, upang mapanatili daw ang kalidad ng mga inahing baboy at ibinebentang mga biik nito ay hindi sya nag-aalaga ng fattener dahil malapit sa daan ang knyang babuyan. Bukod rito, napapanatili nya ang malinis at walang amoy na babuyan dahil itinatapon nya sa malayong lugar na walang bahayan ang dumi ng kanyang mga baboy.

Si Mr. Zosimo ay isa sa mga miyembro ng Malaking Pulo Multi-Purpose Cooperative na tinutulungan ni Mayor Sonny at ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Ccldo Tanauan na magkaroon dagdag puhunan.

Previous Gender Responsive Consultative Assembly of ERPAT

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved