Bayanihan sa Lungsod ng Tanauan!

Bayanihan sa Lungsod ng Tanauan!
Mula sa direktiba ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes, naging puspusan ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kalsada sa iba’t ibang Barangay na lubos na naapektohan dulot ng Bagyong Paeng.
Malaking bagay ito upang madaling mapuntahan at mahatiran ng tulong ang mga kababayan nating lubos na naapektohan ng bagyo. Maraming salamat po sa lahat ng umaksyon at tumulong upang malinis agad ang mga kalsada at mga kanal.
Bukas naman ay nakatakdang puntahan ng ating Pamahalaan ang Mahabang Buhangin upang mahatiran ng tulong.
photo credit: ABC
Previous TINGNAN | Mismong mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod kasama ang ating mga Konsehal ang bumaba sa Barangay Ambulong

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version