IN PHOTOS | Batangas Provincial Women’s Coordinating Council Quarterly Meeting
Nakiisa sa ginanap na Batangas PWCC Quarterly Meeting ang ating PWCC Vice President Atty. Cristine Cristine Collantes kasama ang mga Board of Directors nito sa pangunguna ni PWCC President Agoncillo Mayor Cindy Reyes ngayong araw Bayan ng Agoncillo.
Kabilang sa tinalakay ay ang gagawing paghahanda para sa 2024 Regional Women’s Month Celebration kung saan ang Lalawigan ng Batangas ang magsisilbing host sa susunod na taon.
Binuksan din ang usapin hinggil sa pagbibigay ng interbasyon patungkol sa isyu ng mental health, sexual abuse at teenage pregnancy sa pamamagitan ng activation of help and action centers at women’s desk sa bawat lokal na pamahalaan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development.
Bukod dito, malugod din na ibinahagi ni Atty. Cristine Collantes ang ilan sa mga interbasyong hinahatid sa Lungsod ng Tanauan tulad ng pagkalinga sa mga biktima ng iba’t ibang karahasan na mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Habang kasalukuyang pinoproseso na rin ang SEC registration ng PWCC upang masigurong tuluy-tuloy ang pagbababa ng mga programang pangkababaihan, kabilang na rin ang ugnayan sa iba’t ibang tanggapan at sektor.
Samantala, iminungkahi rin ng mga miyembro na magkaroon ng benchmarking at fundraising activities upang masuportahan ang iba pang samahang pangkababaihan sa Lalawigan ng Batangas.