Batangas PNP Provincial Office Awarding Ceremony

Batangas PNP Provincial Office Awarding Ceremony, naging daan sa pagpapaigting ng kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating makikisig na kapulisan, kaniyang pinasinayaan ang imbitasyon bilang panauhing tagapagsalita sa traditional Flag Raising Ceremony at sa isinagawang awarding ceremony ng kanilang ahensya.
Inihayag niya rito ang pagsulong ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod hinggil sa usapin ng kapayapaan para sugpuin ang ilegal na droga at kriminalidad sa Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring ibinahagi na kasado na ang pagtatayuang lote ng kanilang pasilidad sa bahagi ng Housing Development Project ng Pamahalaang Lungsod at handog na karagdagang mga sasakyan para sa kanilang mga operasyon.
Pinasalamatan naman ng Batangas PNP ang ibinibigay na suporta ng ating Punong Lungsod sa kanilang ahensya. Tiniyak din nila na palaging aagapay ang kapulisan sa mga adhikain ni Mayor Sonny na pangalagaan ang seguridad ng bawat mamamayan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Flag Raising Ceremony ng Batangas PNP Provincial Office

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved