Tuluy-tuloy ang bakunahan para sa mga chikiting sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating City Health Office!
Sa kasalukuyan, 71.65% o higit 11,000 mga bata na may edad 9 na buwan hanggang 59 na buwan ang nabakunahan sa Lungsod ayon sa pinakabagong ulat ng DOH Batangas Province.
Patuloy din ang pag-ikot ng ating Tanauan CHO sa lahat ng barangay upang ihatid ang MR OPV SIA o Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Vaccine. Ito ay tatagal hanggang sa ika-15 ng Hunyo.
Para naman sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Tanauan City Health Office, Lunes hanggang Biyernes 8:00 AM to 5:00 PM sa Mega Health Center (Old City Hall Building) Tindalo St., Brgy. Poblaciรณn 3, Tanauan City o tumawag sa numerong (043) 781-8924.