Bagong Senior Citizen Card

Bagong Senior Citizen Card, tagumpay na naipamahagi ngayong araw sa Barangay Tinurik at Janopol Oriental!
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, tagumpay na naipamahagi ngayong araw ang bagong ID ng ating mga kababayang senior citizens sa Barangay Tinurik at Barangay Janopol Oriental.
Nagsilbing kinatawan ng ating butihing Mayor si Atty. Cristine Collantes katuwang ang Barangay Affairs Office sa pamumuno ni Mrs. Jiennch Nones kung saan mas matibay at magandang PVC ID ang naipamigay upang magagamit ng ating mga Senior para sa pangmatagalang transaksyon at pagkuha ng kanilang benipisyo mula sa Pamahalaang Lungsod.
Sa kabuohan, tinatayang nasa 741 beneficiaries ang nakatanggap ngayong araw. Layunin nito na mabigyan ng suporta at pangangalaga ang kanilang sektor alinsunod sa 7 Rays Priority Project ng ating Punong Lungsod.
Previous LOOK | Excited na ga kayo?

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved