Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan

Bagong Konsehal ng Brgy. Wawa, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny ngayong araw!

Sa pangunguna ni Presiding Officer Mayor Sonny Perez Collantes, pormal nang nanumpa ngayong araw ang bagong Konsehal ng Brgy. Wawa na si Kon. Lyca Mae Almanzor.

Nagsilbing saksi rin sa nasabing aktibidad ang mga kaanak ni Kon. Lyca Mae Almanzor, DILG CLGOO MS. Chalotte Flor Quiza at mga kawani ng Sangguniang Barangay ng Wawa.

Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang inihayag ang pagsuporta sa bagong konsehal ng Wawa at nagpaalalang patuloy na kaisa nito ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa paghahatid ng serbisyong publiko para sa mga Tanaueño.

Previous Mas malusog na kabataang Tanaueño isinusulong nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC PResident Atty. Cristine Collantes!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved