Bagong Konsehal ng Brgy. Malaking Pulo, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny

Bagong Konsehal ng Brgy. Malaking Pulo, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny ngayong araw!
Sa pangunguna ni Presiding Officer Mayor Sonny Perez Collantes at Congw. Maitet Collantes, pormal nang nanumpa ngayong araw ang bagong Konsehal ng Brgy. Malaking Pulo na si Kon. Adrian Eliver Garcia na anak ng yumaong Kapitan na Kap. Vio Garcia.
Nagsilbing saksi rin sa nasabing aktibidad ang mga kaanak ni Kon. Garcia, TWCC President Atty. Cristine Collantes City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, at mga konsehal ng Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo.
Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang inihayag ang pagsuporta sa bagong konsehal ng Malaking Pulo at nagpaalalang patuloy na kaisa nito ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa paghahatid ng serbisyong publiko para sa mga Tanaueño.
Previous CONGRATULATIONS, Baseball Elementary Boys!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved