Rotary Club

Awarding Ceremony ng Rotary Club of Tanauan

City Government of Tanauan at Rotary Club of Tanauan , binigyang pagkilala ang mga Most Outstanding Public Servants sa lungsod!
Nitong ika-04 ng Marso, 2023, ay naging bahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa isinagawang awarding ceremony ng Rotary Club of Tanauan para sa Most Outstanding Public Servants.
Ito ay taunang pagbibigay ng pagkilala at karangalan para sa mga lingkod bayan na nagpakita ng kabayanihan at dedikasyon sa kanilang tungkulin. Nag-umpisa naman ang ganitong uri ng seremonya sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Sonny bilang Tanauan Rotary Club President, taong 1985-86 na may prinsipyong “You are the key” o “Ikaw ang susi” upang maiparamdam sa kapwa ang boluntaryo at taos pusong paglilingkod.
“Sikapin niyo pong maging modelo kayo ng isang magaling na Public Servant, sikapin niyo po na mapaglingkuran at maramdaman ng bawat isang Tanaueño na kayo ay nagmamahal sa kanila at sila’y hindi nag-iisa sa oras ng pangangailangan” mensahe ni Mayor Sonny.
Kabilang sa mga pinarangalan sina:
• Victor Roallos mula sa Traffic Management Office Tanauan City
• Emmanuel Garcia – Jail Officer
• SF01 Orson Copasan – Fire Fighter
• PEMS Marlon Fetizanan
• Anne Lorraine Barit – Nurse
Barangay Health Workers Awardees
• Celerina De Leon
• Ma. Teresa Eleuterio
• Criselda Opulencia
• Rosiel Padilla
Teacher Awardees
• Osmerando Alcantara Jr.
• Amelia Buban
• Argel Joepet Landicho
• Julieta Olaes
• Evelyn Salem
• Kristina Erika Vanguardia
Special Awardee
• Kagawad Luzviminda Gumapac ng Barangay Balele
Samantala, nagbigay rin ng mensahe at inspirasyon sa sektor ng edukasyon si Binibining Darah Tuazon na nag-umpisa ng Bangketa Eskwela Foundation .
Pinangunahan ang naturang seremonya ng kasalukuyang Tanauan Rotary Club President Mr. Jun Perez. Dumalo rin dito si Vice-Mayor Atty. Jun-jun Trinidad at Konsehal Eugene Yson upang magpakita ng suporta sa matagumpay na programa. Naging daan naman ito upang mas mapalawak pa ng Pamahalaang Lungsod ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon sa mga proyekto’t programa para sa mga Tanaueño.
#TanauanRotaryClub
#MostOutstandingPublicServants
#CityGovernmentOfTanauan
#Tanauanderfulyears
#WonderfulTanauan
#TanauanCityhood
#CityOfTanauan
Previous Lighting of Torch Ceremony Women’s Mini Olympics

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved