Awarding Ceremony ng Little League Philippines Series 2024 NCR – South Luzon Leg

Congratulations CHAMPIONS!

Sa pagtatapos ng huling araw ng Little League Philippines Series 2024 NCR – South Luzon Leg, tagumpay na nasungkit ng ating pitong (7) koponan ang kampyeonato laban sa iba’t ibang manlalaro sa ating mga karatig rehiyon at lalawigan.

Kasabay ng huling araw ng kompetisyon, ginanap ang Awarding Ceremony para pormal na tanggapin ng ating mga atleta ang tropeyo ng kampyeonato, dahilan upang makapasok sa National Finals sa nalalapit na Abril.

Kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati sa inyong bagong tagumpay! Good luck sa inyong susunod na laban!

Previous IN PHOTOS | Binibining Tanauan 2024 Sashing Ceremony and Orientation

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved