Aprubadong Research Development and Extension Services (RDES) Council Members, Proposed Spending Plan at Paskuhan 2022, tinalakay sa ika-pitong Tanauan City College Board Meeting
Sa pangunguna ni TCC Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes ay tagumpay na naisagawa ang ika-pitong Tanauan City College Board Meeting kung saan inaprubahan na ang Research Development and Extension Services (RDES) Council Members at ang aprubadong Proposed Spending Plan for Free Higher Education Funds.
Bukod dito, dinaluhan din ang nasabing pagpupulong nina Vice-Chairperson of the Board TCC Michael E. Lirio, ALCU Representative Dr. Raymundo Arcega, Private Sector Representative Mr. Juanito Yabut, President of Faculty Association Ms. Lally Marfa Castillo, TCC Alumni Association President Yerushalayim Naling, NGO Representative Ms. Enrica S. Gonzales, TESDA Region IV-A Director Mr. Gerardo Mercado upang pag-usapan ang mga sumusunod:
• Status of Transfer of Funds from Fund to General Fund
• Recruitment Status at Tanauan City College
• Site Development Plan for Building
Habang ibinahagi naman ni TCC Iskolar ng Lungsod Council President Vince Harris B. Mangabat ang nakatakdang Paskuhan 2022 para sa mga mag-aaral ng TCC. Kabilang din sa kaniyang iprinesenta ay ang design ng Lanyard Lace at T-Shirt na magsisilbing uniporme ng nasabing Council.
Samantala, tinalakay din ng mga miyembro ng TCC Board of Trustees magiging interbasyon ng Tanauan City College patungkol sa pag-iimplementa ng Full Face-to-Face classes sa darating na 2nd Semester ng Taong Panuruan 2022-2023 alinsunod sa ibinabang kautusan ng Commission on Higher Education(CHED).