Mula sa inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at pamunuan ng DepEd Tayo – DepEd Tanauan City, tagumpay na isinagawa ngayong araw ang inagurasyon ng Apolonio M. Lirio National Highschool na dating Balele Integrated Highschool.
Ayon kay Mayor Sonny, isa si Dr. Apolonio sa patunay ng isang legasiyang Tanaueรฑo, hindi lamang sa pagiging instrumento upang magkaroon ng paaralan ang Brgy. Balele, kundi pati rin sa paghahatid ng serbisyong medikal at pagpapahalaga sa edukasyon na unang humubog sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat mamamayan.
Samantala, taos pusong nagpasalamat naman ang Pamilya Lirio sa pangunguna ni dating Mayor Paquito Lirio, dating Tanauan City College President Mr. Michael Lirio at iba pang mga anak ni Dr. Apolonio M. Lirio sa pagkilalang ipinaabot ng lokal na pamahalaan.
Ang nasabing pagpapalit ng pangalan ng naturang paaralan ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Barangay ng Balele bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ni Dr. Apolonio Lirio sa serbisyong publiko gamit ang larangan ng medisina.
Kabilang din sa nakiisa sa makasaysayang aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes dating Mayor Sonia Torres Aquino, ASDS Mr. John Carlo Paita, Sangguniang Barangay ng Balele sa pangunguna ni Kap. Arthur Lirio, ERPAT Tanauan City President Kon. Tirso Uruga, former DepEd Director Ponciano Menguito, mga kinatawan ng DepEd Tanauan City at teaching and non-teaching ng naturang paaralan sa pangunguna ni School head Mr. Danilo Mutya.