Ang Pagtatapos ng mga Daycare Center Students

Congratulations Daycare Graduates!
Bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, masayang pinasinayaan ni TWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang CSWD at ating Child Development Workers ang pagdiriwang ng Moving Up Ceremony ng ating mga Daycare Center students mula Brgy. Boot West, Boot East, Natatas, Wawa, at Sitio Bulalacao na may Temang “Child Development Center: Moving Up 2023”.
Kasabay nito ang inihandang Special Number ng mga chikiting na talaga naman nagpasigla sa nasabing seremonya. Present dito ang mga magulang na kasama ng mga batang tumanggap ng sertipiko mula sa ating Punong Lungsod para sa kanilang pagtatapos.
Sa mensahe ni Atty. Cristine Collantes, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng Child Development Workers na katuwang ng Pamahalaang Lungsod upang suportahan ang mga mas magandang bukas para sa mas maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan isang pagpupugay at pagbati sa inyong lahat!
Previous Local AICS, ipinamahagi sa 200 na mga Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved