Alay-Lakad 2023, kasado na; Iba’t ibang organisasyon sa Lungsod ng Tanauan, makikilahok!
Nakipagpulong ngayong araw sa iba’t ibang organisasyon ang mga kinatawan ng Alay-Lakad Foundation 2023 sa pangunguna ni Mr. Marco Amurao para sa isasagawang Alay-Lakad 2023 sa darating na ika-04 ng Marso.
Katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at CSWD, layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng kaukulang pondo na magsisilbing instrumento upang masuportahan ang mga Out-Of-School Youth nating mga kababayan at mga mag-aaral sa bawat pampublikong paaaralan sa Lungsod.
Bilang pakikiisa, nagpaabot din ng suporta si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes sa pamamagitan ng paglahok sa nasabing programa kasama ang mga lider-kababaihan sa bawat barangay.
Bukod sa outreach program, magsasagawa rin ng Raffle draw at Search for Ms. Alay Lakad 2023 para sa mga makikibahagi sa aktibidad.
Ang registration para sa Alay-Lakad 2023 ay hanggang ika-22 ng Pebrero lamang. Para sa iba pang impormasyon at sa mga nais sumali, maaaring makipag-ugnayan lamang sa CSWD Office na matatagpuan sa New City Hall Building, Brgy. Natatas, Tanauan City.