Mula sa Air Force Reserve Command, Welcome 2023!
Tayo ho’y dumalo sa isinagawang AFRC Traditional New Year’s Call sa Headquarters ng AFRC, Clark Air Base, Mabalacat, Pampanga kung saan ay nakasama natin ang mga kapwa ko Wing Commander ng Air Force Wing Reserve, kabilang na ang mga Commanding Officers, AFRC Staff Officers at Enlisted Personnel and Civilian Human Resource.
Masaya po tayong muling makasama ang mga opisyal ng AFRC mula sa iba’t-ibang Rehiyon sa bansa upang talakayin ang patuloy na pagsisikap ng Reserve Force na maibigay sa ating Inang Bayan ang mataas na kalidad ng pagseserbisyo, hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi maging sa kapasidad nitong matulungan ang iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa ngalan ng 3rd Air Force Wing Reserve , nawa’y patuloy na gabayan ng Mahal na Panginoon ang ating mga kasama at buong Air Force Reserve Command sa mga isinusulong nitong mga aktibidad at programa para sa ikauunlad ng ating mga komunidad.
Mabuhay ang Air Force Reserve Command! 
