Aba Pardes Agri-Tech Corporation at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Aba Pardes Agri-Tech Corporation at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, magtutulungan upang palakasin ang agrikultura gamit ang Hydroponics
Bumisita kahapon, ika-21 ng Nobyembre ang mga kawani ng Aba Pardes Agri-Tech Corporation sa pangunguna ni Chairman Eyal Ben Ari upang ibahagi ang kanilang planong pagtatayo ng satellite Hydroponics sa Lungsod ng Tanauan.
Ani ni Chairman Ari, napili nila ang Lungsod ng Tanauan dahil sa “strategic location” nito na 45 KM away mula sa Metro Manila at sa agrikultural na aspeto nito na maaaring tayuan Hydroponics Greenhouse na ilan sa kanilang criteria upang mapanatili ang kalidad ng kanilang mga produkto. Bukod rito nais din nilang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Bilang tugon dito, nangako si Mayor Sonny Perez Collantes na makikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod sa kanilang hangaring mapalakas ang agrikultura ng Lungsod tungo sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain.
Samantala, dumalo rin sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes na kaagapay ng ating Punong Lungsod para sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga foreign investors para sa masiglang pagnenegosyo at mas maraming hanapbuhay sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Iba’t ibang programa, proyekto at mga aktibidad na tutugon sa mga pangunahing problema sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved