Pagtatapos ng Walong Batch ng Technical Vocational Scholars ng Lungsod ng Tanauan

Pagtatapos ng Walong Batch ng Technical Vocational Scholars ng Lungsod ng Tanauan, Tagumpay ngayong araw!
Tagumpay na nagsipagtapos ang walong (๐Ÿ˜Ž batch ng Technical Vocational Scholars ng Lungsod ng Tanauan ngayong araw ika-05 ng Disyembre na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) at ng TESDA-Batangas sa pangunguna ni Provincial Director Gerry Mercado.
Ang nasabing mga batch ay binubuo ng 129 na mga Tanaueรฑo na sumailalim sa pagsasanay ng Shielded Metal Arc Welatding NC I, Contract Tracing Level II, Hilot (Wellness Massage) NC II, Basic Training on Sewing, Manicure and Pedicure, Hair and Make-Up at Haircutting.
Kabilang din ang nasabing programa sa mga isinusulong ng ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas, Congresswoman Ma. Theresa โ€œMaitetโ€ V. Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na Traning for Scholarships Program (TWSP) na layong tulungan ang ating mga kababayang magkaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman na kanilang magagamit sa paghahanap-buhay.
Previous 05 DECEMBER 2022 | TANAUAN CITYโ€™S 20TH FLAG CEREMONY

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved