05 DECEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 20TH FLAG CEREMONY
PAGKILALA sa natatanging husay at talino ng ating mga Tanaueño ang malugod na ibinalita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ika-20 na Regular na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ngayong araw matapos mag-uwi ang mga ito ng iba’t ibang karangalan sa Lungsod.
Sa aspetong pang-akademiko, wagi sa katatapos lamang na 4th NIVICON (Nihongo Video Contest for Nihongojin) 2022 ang mga mag-aaral mula sa Pantay Bata Integrated Highschool na sina Lauren Franchesca Mico, First Placer sa Category B at sina Franz Lanceta, Karl Romeo, Gwyneth Lancet na Finalists naman para sa Category A.
Habang galing din sa nasabing paaaralan, napili si Aizelle Joy Visaya bilang isa sa mga Pilipinong kalahok para sa Japanese Speakers Forum 2022 na gaganapin sa Bohol sa ika-06 hanggang ika-08 ng Pebrero sa susunod na taon.
Sa larangan naman ng Pampalakasan, muling nagkamit ng panibagong kampeonato ang U7, U9, U11 at U13 TANAUAN LABUYO TEAM (Tanauan Labuyo FC) sa giananap na Coach Pitch Division at Minor Division ng Turkey Tournament nitong Sabado, ika-03 ng Disyembre.
Habang nagwagi sa Wrestling Association of the Philippines National Game nagwagi ng unang karangalan si Rico Dy Conteras para sa Grappling GI Category (25-35 Years Old Senior Division) at ikalawang pwesto naman si Jett Brandon Boslon para sa 58KG Junior Division.
Naiuwi rin ni Damien Velasco ang kampeonato para naman sa 2022 Muaythai National Championship nitong ika-02 ng Disyembre sa Subic Bay Freeport Zone na nilahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, nasungkit ng Tanauan City Volleyball Team – Men and Women Division ang ikalawang pwesto sa kauna-unahang Jay Ilagan Cu Batangas Inter-town Volleyball League.