Corporate Social Responsibility project, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc.

Bumisita ngayong araw sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang mga empleyado mula sa Philippine Manufacturing Co. of Murata Inc., CSR – ESG & Corp Comms upang talakayin ang pakikipagtulungan sa ating Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Grand Memorandum Signing of Agreement para sa mahusay na pagbababa ng oportunidad, paghahatid ng mga programa at pagtulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga outreach activity sa mga Barangay.

Habang naging kabahagi rin nito sina Atty. Cristine Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao kasama ang mga Department Managers na kaisa ni Mayor Sonny Perez Collantes sa patuloy na pagtugon para sa pangangailangan ng ating mga mamumuhunan sa Lungsod.

Previous Happy 31st Founding Anniversary United Kabalikat Civicom!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved