Pagtaguyod ng ‘Renewable Energy’ sa lungsod ng Tanauan

Solar Tanauan Corporation, magiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod para sa karagdagang mga Street Lights sa Lungsod!
Upang mas maitaguyod ang paggamit ng ‘Renewable Energy’ sa lungsod, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagpupulong kasama ang mga opisyales mula sa Solar Tanauan Corporation ngayong araw.
Ilan sa mga pinag-usapan ang paglalagay ng Solar Energy Projects partikular sa Barangay Santol at Malaking Pulo. Tinalakay rin ang pagsasaayos at paglalagay ng karagdagang mga Street Lights sa mga madidilim na daanan sa Lungsod.
Lahat ng ito’y bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny, na lumikha ng Sustainable Development Programs at pangmatagalang solusyon para sa balanseng progreso ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Congratulations Daycare Graduates!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved