Suplay ng tubig para sa Sagip Pamilya Community Housing Project, kasado na!
Nagpaabot ng pulong ang ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes sa mga kawani ng South Luzon Water Corporation ngayong araw ika-07 ng Marso, 2023 ukol sa suplay ng tubig para sa proyektong pabahay ng City Government of Tanauan.
Ang Sagip Pamilya Community ang isa sa mga pangunahing proyekto sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development kung saan layon nitong mahandugan ng disenteng tahanan ang mga kababayan nating namamalagi sa disaster prone areas. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Sonny na maabot ang “Zero Informal Settlers” mission sa Lungsod ng Tanauan.
Tumugon naman ang South Luzon Water Corporation na handa silang tumulong at magbigay ng magandang serbisyo para sa naturang proyekto kung saan aabot sa 4,000 pamilya ang makikinabang dito.
Matatandaang nag-umpisa na ring bumaba ang Tanauan Housing and Resettlement Office sa mga barangay para sa aplikasyon at orientation sa mga magiging benepisyaryo ng proyekto.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng imbitasyon ang pamunuan ng South Luzon Water Corporation kay Mayor Sonny patungkol sa gaganaping Word Water Day sa darating na ika-22 ng Marso, 2023.