Proposed National Literacy Council, Estado ng mga Farm Schools, Updates sa mga ipinatatayong School Building at Selebrasyon ng World Teachers’ Day, pinag-usapan sa 7th Local School Board
Kasalukuyan nang pinaghahandaan ng ating Local School Board sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes ang isasagawang selebrasyon ng World Teachers’ Day katuwang ang mga kawani ng DepEd Tanauan City sa pamumuno ni SDS Dr. Lourdes Bermudez.
Bukod dito, napag-usapan din ang kasalukuyang progreso ng mga school buildings na ipinatatayo sa 59 na mga pampublikong paaralan ng Lungsod. Kasado na rin ang pagtatayo ng National Literacy Council kung saan layon nitong tutukan ang foundation skills ng bawat mag-aaral.
Kabilang din sa tinalakay ay ang mga sumusunod:
โข Program of Works of Construction and Repairs
โข Additional Learning Support Aides for ALS
Samantala, pinagpaplanuhan na rin ng Local School Board ang implementasyin ng mga Farm Schools sa bawat paaralan upang patuloy na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng livestocks.