DOLE TUPAD Program, inihatid ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa Ikatlong Distrito ng Batangas
Sa pakikipagtulungan ni Congw. Maitet Collantes, umabot sa 663 na mga Batangueño ang kasalukuyang nakapag-pay out ngayong araw sa ilalim ng programang DOLE TUPAD.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mula sa Lungsod ng Tanauan, Sto. Tomas at Bayan ng Malvar na nabigyan ng pansamantalang trabaho kapalit ng pinansyal na tulong at pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga komunidad.
Kabilang sa nakiisa sa naturang aktibidad sina Mayor Sonny Perez Collantes, 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo, Kon. BGEN. Ben Corona at Kon. Czylene Marqueses kasama ang mga kapitan mula sa mga naturang bayan.