Mga programang inihatid nitong nagdaang Linggo, iniulat ni Mayor Sonny sa 48th Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Sa Ika-48 na Regular na pagtataas ng watawat sa Lungsod ng Tanauan, ilang programng medikal ang tagumpay na inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes ang kaniyang inuulat, kabilang na rito ang Blood Testing para sa mga Barangay Captains, libreng bakuna kontra pneumonia para sa mga Senior Citizens at HPV Anti-Cervical Cancer para sa mga kababaihan.
Naging matagumpay rin ang isinagawang pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Malaking Pulo, Santol, Balele, Natatas, Hidalgo at Bagumbayan kung saan umabot na sa higit 10,000 ang naging benepisyaryo. Habang 73 na mga SPES beneficiaries naman ang nakapag-payout at nakatanggap ng kanilang allowance mula sa Pamahalaang Lungsod.
Ilang pagpupulong din ang pinangunahan ng ating Alkalde tulad ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod, at ang ikaanim na Local School Board kung saan tinalakay ang mga ilang usapin patungkol sa sektor ng edukasyon.
Kabilang din sa tagumpay na ipinaabot nitong nagdaang Linggo ay ang libreng skills training na Nail Care at Soap Dishwashing Liquid Making katuwang ang CCLDO Tanauan.