45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, ginunita sa Lungsod!
Bilang bahagi ng selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Persons With Disabilities Accesibility and Tights towards Sustainable Future where no one is left Behind”, nagsagawa ang Persons With Disability Affairs Office at Office of the City Agriculturist ng pagsasanay ukol sa Hydroponics.
Layunin nito na maturuan ang mga kalahok na PWDs na maka-pagproduce ng mga masusustansyang gulay sa kanilang mga tahanan. Bawat isa rin sa mga kalahok ay nakatanggap ng hydroponics kit para sa pagsisimula ng kanilang pagtatanim.
Ito ay bahagi pa rin ng adhikain ng ating minamahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na suportahan at bumuo ng mga programang mangangalaga para sa sektor ng ating mga kababayang PWD.