Karagdagang oportunidad para sa mga Tanaueno; Pagpapalakas ng Disaster Response sa Lungsod ng Tanauan, bahagi ng lingguhang ulat bayan ni Mayor Sonny!
Kasabay ng regular na Flag Raising Ceremony, inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes sa kaniyang Lingguhang ulat bayan ang naging kaganapan at isinagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod sa nakalipas na Linggo.
Bahagi rito ang pagpupulong kasama ng iba’t ibang mga investors na layong magkaroon ng panibagong mga Develoment Projects sa Lungsod upang makapagbigay ng karagdagang oportunidad at kabuhayan sa ating mga Tanaueno.
Inihayag niya rin ang naganap konsultasyon sa pagitan ng DepEd Madrasa para sa pagpapalawig ng kanilang propesyon bilang mga Guro ng mga mag-aaral Muslim para sa subject na Arabic Language at Islamic Studies sa ating mga pampublikong Paaralan.
Naging matagumpay rin ang signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Union Bank of the Philippines na layong gawing episyente ang mga serbisyo ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng modernong data system.
Nagsagawa rin ng Regular Solo Parents Meeting para sa pagtatalakay ng mga Programang mangangalaga sa kanilang sektor. Habang kaniya ring ipinagmalaki ang matagumpay na pamamahagi ng Educational Assitance sa Limang mga Barangay kabilang ang Brgy. Laurel, Pantay Bata, at Pantay Matanda, Malaking Pulo at Santol.
Bilang pagpapalakas naman ng Disaster Response ng Pamahalaang Lungsod, nagsagawa ng 3-day Basic Incident Command System (BICS) sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na layong gawing sistematiko ang Disaster Management and Response at maisagawa ang ICS Integrated Organizational Structure sa mga Natural na Kalamidad.
Habang sa ibinabang Memorandum Circular No. 2023-006, kaniyang hinikayat ang mga kawani na panoorin ang nakatakdang 2nd State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw.