Programang Pangkalusugan ngayong Nutrition Month at National Deworming Month, inanunsyo sa 41st Regular Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Sa pagsisimula ng unang Lunes ng Hulyo, maagang inanunsyo ng mga kawani muna Tanauan City Health Office ang ilan sa mga programang isasagawa ngayong Nutrition Month at National Deworming Month.
Ilan sa mga aktibidad na libreng ihahatid ng Tanauan CHO ay ang Seminar-Training para sa ating mga Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Workers na kaugnay sa tema ng Nutrition Month na “healthy diet gawing affordable for all”.
Habang inaanyayahan din ng lahat ng mga magulang na makiisa at pumunta sa ating Mega Health Center upang mabigyan ng libreng pamurga ang mga bata at mga buntis.
Samantala, bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong nagpasalamat si Vice Mayor Atty. Jun-jun Trinidad sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na katuwang sa paghahatid ng serbisyong publiko sa mga Tanaueño.