4 NOVEMBER 2022 | CGT’s 4th First Friday Mass
Bilang bahagi ng regular na aktibidad sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, tagumpay na idinaos ngayong tanghali ang Misa para sa unang Biyernes ng Buwan ng Nobyembre na pinangunahan ni Fr. Richard Abel Hernandez mula sa Queen of All Saints Parish, Brgy. Balele na dinaluhan ng mga kawani ng Pamahaalaang Lungsod kasama sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the Secretariat at Human Resource Management and Development Office bilang pasasalamat sa kalakasan, kaligtasan, at paggabay na ipinagkakaloob ng Poong MayKapal para sa ating mga lingkod-bayan, mamamayang Tanaueño at lalo’t higit para sa mahal nating Lungsod ng Tanauan.