37th Flag Ceremony

Nakatakdang Site Development Groundbreaking ng Sagip Pamilya Community at pagbubukas ng isang bagong Negosyo, iniulat sa 37th Flag Ceremony
Sa pagsisimula ng unang Lunes ng Buwan ng Hunyo, malugod na ibinalita ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong araw ang nakatakdang pagbisita muli ng mga kawani ng DHSUD para sa isasagawang groundbreaking ceremony ng site development ng Sagip Pamilya Community Housing Project.
Ayon kay Mayor Sonny, bukod sa paghahanda sa mga dokumento na kinakailangan para sa pagtatayo ng mga mid-rise housing, kasalukuyang natapos na rin ang isinagawang soil testing sa Brgy. Sambat.
Sa kabilang banda, masayang binanggit din ni Mayor Sonny ang nakatakdang pagbubukas ng kompanyang Rapidé dito sa Lungsod ng Tanauan na tanda ng umuusbong na ekonomiya.
Samantala, inanunsyo naman ni Mayor Sonny na si Tanauan City former Councilor Mr. Jun Goguanco na ang bagong Tanauan City College Administrator na ating magiging katuwang sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kolehiyong mag-aaral.
Previous mga kababayang nagpapagaling sa laurel Memorial District Hospital, kinamusta ni Mayor Sonny

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved