32nd Flag Ceremony sa Lungsod ng Tanauan

Pamamahagi ng Bigas, COA Exit Conference Result at pagkilala sa mga Atletang Tanaueño, tinalakay sa 32nd Flag Ceremony sa Lungsod ng Tanauan
Ngayong araw, malugod na ibinahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagkapanalo ng limang koponan ng Lungsod ng Tanauan sa katatapos lamang na Little League Philippines 2023 National Finals at nakatakdang lumaban ngayong taon sa bansang South Korea at New Zealand.
Ibinahagi rin ni Mayor Sonny na tagumpay ang naganap na COA Audit Exit Conference 2022 ng Pamahalaang Lungsod kung saan 123 mula 323 Audit Observation Memo ang nabigyang aksyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng bagong administrasyon.
Bukod dito, masayang ibinalita rin ni Mayor Sonny na kasado ngayon buwan ng Abril ang pamamahagi muli ng bigas para sa pamilya ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Previous Ang pag-iisang dibdib ng siyam (9) pares sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved