26 OCTOBER 2022 | Ulat sa Ika-100 Araw ng Paglilingkod ni Mayor Sonny Perez Collantes
Matagumpay na naihatid ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kanyang ulat sa ikasandaang Araw ng kaniyang panunungkulan sa ginanap na State of the City Address ngayong araw sa Jose P. Laurel Gymnasium 1.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang mga personalidad at opisyal sa ating Lungsod kabilang sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes, 3rd District Board Member Fred Corona, Former 3rd District Board member and Tanauan City Mayor Atty. Jhoanna Corona, Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama ang mga Kapitan at mga Department Managers ng bawat tanggapan sa ating Pamahalaang Lungsod.
Bahagi rin nito ang mga investors na magiging kabahagi sa pagpapaunlad ng ating Lungsod sa pagbuo ng mga negosyo at trabaho para sa ating mga kababayan.
Inihayag niya ang mga programa at proyekto na napagtagumpayan sa unang ikasandaang araw ng kaniyang pamumuno bilang Ama ng Lungsod. Kabilang ang mga programa sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya, pagpapahalaga sa mahuhusay at masisipag na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, serbisyo publiko na ipinaramdam sa bawat mamamayan, pagpapailaw ng mga kalsada, handog na masayang pasko sa bawat Tanaueño, pag-agapay sa sektor ng kabataan at edukasyon, pagpapasigla ng turismo, pagbibigay tugon sa kalusugan ng ating mga kababayan, pangangalaga sa kalikasan, sektor ng agrikultura at mas maayos na pangangasiwa sa sistema ng transportasyon sa Lungsod ng Tanauan.
Nagtapos ang programa sa pagpapaalala ng Punong Lungsod na patuloy siyang magsisikap na maglunsad ng programa at kaabang-abang na mga proyekto para sa ikabubuti ng bawat pamilyang Tanaueño.
By: Fash