Business One-Stop-Shop ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, Tagumpay na Sumailalim sa 2023 BOSS Validation ng DILG IV-A, BFP Batangas PIS, Department of Information and Communications Technology – DICT at DTI Philippines
Bilang bahagi ng epektibong implementasyon ng RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Effective Delivery of Government Services Act of 2018, sumailalim sa 2023 BOSS Validation ang Pamahalaang Lungsod partikular na sa kasalukuyang Business One-Stop-Shop sa Gymnasium 1 kasama ang mga kawani mula iba’t ibang Tanggapan tulad ng DILG Region IV-A, DILG Batangas, BFP Batangas, DICT, at DTI.
Kabilang sa sinuri ng mga validators na sina DILG Region IV-A Program manager LGOO VI Janice B. Sobremonte, EOD B Program Focal Person LGOO II Pearl Ryzel B. Garcia, DTI Senior Trade and Industry Development Specialist Pathy Joy C. Furto, DILG Batangas Cluster 3 Head 3 Juel Fatima M. Dijan-Trinidad, SFO2 Juancho Gutierrez – BFP Batangas Provincial Fire Safety Enforcement Section (FSES) at FO3 Michelle Y. Ebite ang kasalukuyang proseso ng aplikasyon ng iba’t ibang permits at pagbabayad ng buwis sa 2023 CGT B.O.S.S.
Bukod dito, ininspeksyon din nina DILG Tanauan City CLGOO Ms. Charlotte Flor S. Quiza at DICT iBPLS Focal Edd Fernan Gonzales – ISA I ang bagong Tanauan City E-BPLS Kiosk Machine na layong mas pabilisin pa ang transaksyon sa pagkuha ng permits sa pamamagitan ng mga e-services ng official website nito na https://eservices.tanauancity.gov.ph/.
Habang nagpasalamat naman ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na isa ang Tanauan sa napiling bayan sa Lalawigan ng Batangas upang mausuri ang epektibong implementasyon ng ARTA-DTI-DILG JMC No. 1 S, 2021 o Standards and Guidelines for Processing Business Permits, Related Clearances and Licenses sa ating Business One-Stop-Shop katuwang ang mga tanggapan at kawani ng Pamahalaang Lungsod.