2-Day Technology Training on Mango and Calamansi-based Product Processing para sa mga Magsasakang Tanaueno, Tagumpay na naihatid ng Pamahalaang Lungsod at ng DOST Batangas
Bilang bahagi ng paghahatid ng dekalidad na Produktong Tanauan, tagumpay na naisagawa ang 2-Day Technology Training on Mango and Calamansi-based Product Processing para sa ating mga kababayang bahagi ng Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (MTAMC) nitong ika-25 hanggang 26 ng Oktubre 25-26 katuwang ang DOST Batangas at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan.
Layon ng pagsasanay na ito na linangin at maghatid ng karagdagang kaalaman sa ating mga kababayan patungkol sa dekalidad na paggawa at produksyon ng mango and calamansi-based products alinsunod sa food safety standards.
Habang sa tulong din ni Dr. Joel P. Rivadeneira, University Researcher II ng Institute of Food Science and Technology – University of the Philippines Los Baños (IFST – UPLB) ay tinuruan din ang ating mga Tanaueño ng tamang pamamaraan ng paggamit ng kanilang mga makinarya na mula sa DOST-Batangas sa ilalim ng programang Grants-in-Aid Community-based Project (GIA-CBP).
Photo Courtesy: DOST Batangas