2-Day Gender Sensitivity Training para sa mga bagong Opisyal at mga kawani ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, sinimulan ngayong araw
Bilang pagpapalakas ng implementasyon ng Gender and Development sa Lungsod ng Tanauan, kasalukuyan nang sinimulan ngayong araw ang 2-Day Gender Sensitivity Training para sa mga bagong Opisyal at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Dinaluhan ito ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kung saan binigyang-diin nito ang pagbibigay-prayoridad sa mga programa at mga tanggapang tututok sa gender equality and sensitivity at pagpapatupad ng nararapat na mga polisiyang alinsunod sa Gender and Development Plan ng Lungsod, Pambansang Konstitusyon at mga umiiral na batas.
Kabilang din sa nakiisa sa unang araw ng training ay sina Association of Women Legislators Foundation Inc. (AWLFI) Vice President for Luzon Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad, Chair Committee on Women and Family Dra. Marissa Tabing at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Samantala, magsisilbing Learning Service Provider si Ms. Ruby Brion, Ll.B., Phd hanggang bukas, ika-17 ng Nobyembre sa naturang aktibidad upang talakayin ang mga sumusunod na paksa patungkol sa Guidelines on localization of Magna Carta, Gender Responsive Local Legislation at Gender Issue and Identification.