1st Quarter Local Disaster Risk Reduction Management Council Meeting
Pagpapaigting ng seguridad at paghahanda sa #SemanaSanta2023 ang naging sentro ng 1st Quarter LDRRM Council Meeting ngayong araw ika-30 ng Marso, 2023. Kabilang na rito mga sumusunod:






Samantala, ibinalita rin ng BFP Tanauan ang kanilang produktibong mga aktibidad ngayong Fire Prevention Month kabilang na ang pakikipagtulungan sa mga eskwelahan para sa Fire Safety Webinars, Fire Drill, Drawing and Poster Making Contest, Fire Prevention Mall Exhibit at matagumpay na Fire Auxiliary Group Training.
Inihayag naman ni Mayor Sonny Perez Collantes na paglalaanan ng pondo ang segregation training sa mga barangay upang maiwasan ang problema sa amoy ng mga piggery. Binigyang pansin din ang pondo para sa CPR Training sa lungsod, Basic Life Support Training at iba’t ibang seminars para sa mas epektibo at mahusay na operasyon ng mga responders sa Tanauan.
Pinangunahan ito ng CDRRMO sa pamumuno ni Mr. Ryan Pariño kung saan dumalo rin ang iba’t ibang ahensiya, organisasyon, Konsehal Benedicto Corona at mga kinatawan ng iba’t ibang departamento ng City Government of Tanauan.