18th Flag Raising Ceremony

Naging matagumpay ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw na pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad, mga kapitan, department managers at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Dito ay nagbigay ulat ang ating butihing Mayor patungkol sa nalalapit na Groundbreaking Ceremony ng Housing Project ng Pamahalaang Lungsod. Ipinaalam niya rin na sa pagtutulungan ng bawat Tanaueño ay nakamit ng ating School Division Office ang 3rd Best Documentary para sa itinampok na dokumentaryong “Anghel sa Hidalgo” sa Dokyu Bata 2022.
Pinuri niya rin ang City Social Welfare and Development Office sa natamong mga parangal ng tanggapan; GAPAS AWARD (Gawad sa Paglilingkod sa Sambahayan Award), Model LGU Implementing Pantawid Pilipino Program, Model LGU implementation sustainable livelihood program. Gayundin ang Community Affairs Office na nakamit ang “Most number of Applicants” dahil sa mga nailunsad na Job Fair recruitment activity sa ating Lungsod.
Nagtapos naman ang programa sa pormal na pagpapakilala ng City of Tanauan 911 App na layong mapabilis ang pagtulong sa ating mga kababayan sa oras ng kalamidad at mga trahedya.
Previous TANAUAN CITY BASEBALL TEAM, KAMPEON SA 2022 PONY NATIONAL INVITATIONAL CHAMPIONSHIP

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved