Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na makapaghatid ng libreng pagsasanay sa mga Tanaueño, 18 na mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang barangay ang nagtapos ng kursong Hair and Make-Up nitong Lunes, ika-14 ng Nobyembre sa pamamagitan ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) at TESDA Region IV-A sa pangunguna ni TESDA Accredited Trainer Mr. Nanie Castillo.
Samantala, nagpahayag din ng suporta si Vice Chairperson on Higher and Technical Education ng Kongreso, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa kaniyang Tanggapan upang maipaabot ang mga livelihood trainings para sa ating mga kababayan.