138th Flag Raising Ceremony

Kita ng Tanauan City Slaughter House kumpara noong nakaraang taon, mas tumaas!
Kasabay ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas, binigyang pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Tanggapan ng Slaughterhouse dahil sa itinaas na kita nito kumpara noong nakalipas na mga taon.
Kaniya ring iniulat ang mga isinagawang aktibidad noong nakaraang Linggo kung saan namahagi ng Crop Insurance para sa mga kababayan nating magsasaka at handog na bigas para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod bilang karagdagang benipisyo sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod.
Binigyang pasasalamat niya naman ang Startoll Ways na naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod upang makalahok ang ating mga Koponan sa Baseball sa darating na 2023 Little League Baseball Asia-Pacific & Middle East Regional Tournament upang irepresenta ang Pilipinas.
Nabanggit niya rin ang naganap na pagpupulong kasama ang Tanauan Muslim Affairs para sa mas magandang ugnayan at upang pakinggan ang kanilang mga pangangailangan sa ating Lokal na Pamahalaan.
Happy Monday, Tanauenos!
Previous Educational Assistance, ipinamigay sa Barangay Poblacion 3, 4, 6 at Sambat

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved